Miss International 2022

Ang Miss International 2022 ay ang ika-60 edisyon ng Miss International pageant, na ginanap sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Hapon noong 13 Disyembre 2022. Orihinal na nakatakda noong 2020 ang kompetisyon. Gayunpaman, dahil sa pandemya ng COVID-19, ito ay nausog ng dalawang beses; isa noong 2021, at isa noong 2022. Ito ang pangalawang beses na nakansela ang Miss International mula noong 1966. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Sireethorn Leearamwat ng Taylandiya si Jasmin Selberg ng Alemanya bilang Miss International 2022. Ito ang ikatlong tagumpay ng Alemanya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Stephany Amado ng Kabo Berde, habang nagtapos bilang second runner-up si Tatiana Calmell ng Peru. Mga kandidata mula sa animnapu't-anim na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa edisyong ito. Pinangunahan nina Tetsuya Bessho at Rachel Chan ang kompetisyon. Itinampok rin sa edisyong ito ang bagong Long Beach Pearl Crown na binubuo ng 333 purong puting perlas at 1,960 puting hiyas.


Developed by StudentB